Mga Pinoy na employment visa, maari pa ring makapasok sa Saudi Arabia
Nagpalabas ng paglilinaw ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ipinatutupad na travel ban ng Saudi Arabia sa mga biyahero dahil sa COVID-19 scare.
Ayon sa DFA, ang sakop ng ipinatutupad na temporary travel ban sa mga magtutungo sa Saudi Arabia ay ang mayroong hawak na Umrah Visa at mga may hawak na Tourist Visa mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 kasama ang Pilipinas.
Pero ayon sa DFA, ang mga Pinoy na mayroong employment visa, mayroong nakatakdang work visit, business visit, at family visit sa Saudi Arabia ay papayagan pa ring makapasok sa nasabing bansa.
Sinuspinde na rin ng KSA ang pagpapalabas ng entry visas para sa Umrah o ang pagbisita Prophet’s Mosque sa Medina.
Indefinite din ang suspensyon sa pag-iisyu ng tourist visa.
Kung mayroong Pinoy na magkakaproblema sa kanilang pagtungo sa Saudi Arabia encounter maaring tumawag sa Philippine Embassy sa Riyadh sa numero (+966-11) 482-0507 o sa Philippine Consulate General sa Jeddah sa number (+966-12) 667-0925 at (+966-12) 669-6303.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.