Aabot sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Barangay Basak San Nicolas sa Cebu City.
Nagsimula ang sunog sa Sitio Ipil ala 1:37 ng madaling araw ng Huwebes, March 5.
Ayon sa Cebu City Fire Station, umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang fire out alas 3:48 ng madaling araw.
Tinatayang nasa 50 mga bahay ang natupok at aabot sa P600,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.
Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy na nagsimula sa isang ancestral house.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.