Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magkasunod na lindol

By Angellic Jordan March 04, 2020 - 06:05 PM

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 130 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 5:40 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Makalipas ang halos 30 minuto, niyanig muli ang bayan ng magnitude 3.2 na lindol bandang 6:09 ng gabi.

Tumama ang lindol sa 125 kilometers Southeast ng Sarangani.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang dalawang pagyanig.

TAGS: Davao Occidental, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, Davao Occidental, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.