Pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa Rice Tariffication Law, hindi umabot sa P68-B

By Chona Yu March 04, 2020 - 05:21 PM

Inquirer file photo

Pumalag ang National Economic Development Authority (NEDA) sa ginawang pag-aaral ng Federation of Free Farmers (FFF) na pumalo sa P68 bilyon ang nalugi ng mga magsasaka sa unang taong implementasyon ng Rice Tariffcation Law.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Assistant Secretary Mercedita Sombilla na ang basehan ng mga magsasaka ay ang artificial rice shortage na hindi naman na normal na sitwasyon.

Sa panig ni Agriculture Secretary William Dar na hindi rin dapat na kalimutan ng mga magsasaka na may ayudang ibigay ang pamahalaan.

Halimbawa na lamang aniya ang P10 bilyong rice competitiveness enhancement fund, P2.5 bilyong survival and recovery assistance at iba pa.

Hindi naman matukoy ni Dar kung magkanong halaga ang kabuuang nalugi sa mga magsasaka dahil sa RTL.

Maari kasi aniyang bumaba ang kita ng mga magsasaka dahil sa pagbaha ng mga imported na bigas sa merkado.

Tiniyak din ni Dar na makakabawi at uunlad rin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Rice Competitiness Enhancement Fund (RCEF) kung saan mapapataas ang kanilang produksyon at competitiveness sa pamamagitan ng high-yielding seeds, mechanization, pautang at suporta ng gobyerno.

TAGS: Asec. Mercedita Sombilla, Federation of Free Farmers, magsasaka, neda, rice tariffication law, Sec. William Dar, Asec. Mercedita Sombilla, Federation of Free Farmers, magsasaka, neda, rice tariffication law, Sec. William Dar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.