Panukala para sa karagdagang incentive leave ng mga manggagawa lusot na sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para sa karagdagang service incentive leave sa lahat ng mga mangagawa at empleyado sa bansa.
Sa botong 197 na pabor at wala namang pagtutol ay inaprubahan ang House Bill 1338 sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
Sa ilalim nito ay gagawing 10 araw ang service incentive leave ng mga empleyadong walang vacation o sick leave with pay.
Inaamyendahan ng panukala ang Labor Code of the Philippines kung saan itinatakda lamang ang limang araw na service incentive leave na may bayad
Nakasaad sa panukala na ang mga empleyado na nakapagsilbi na ng isang taon ay may karapatan na sa sampung araw na service incentive leave.
Hindi naman applicable ang panukala sakaling maging ganap na batas kung mayroon nang umiiral na 10 days service incentive leave sa isang kumpanya.
Hindi naman ng panukala ang mga negosyo at establisyimento na may empleyado na 10 pababa o kaya naman ay may mababang financial condition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.