21 Pinoy mula MV Diamond Princess na gumaling na sa COVID-19 nakauwi na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 09:08 AM

Umabot na sa 21 Filipino crew ng MV Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19 ang nakauwi sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department of Health (DOH) Asst. Sec. Maria Rosario Vergeire, ang nasabing bilang ng mga Pinoy crew ng cruise ship ay umuwi na ng Pilipinas matapos na maka-recover na at mag-negatibo na sa sakit.

Mayroon pang 19 na Pinoy crew na gumaling na rin sa COVID-19 ang nakatakda na ring umuwi sa Pilipinas anumang araw.

Habang ang iba pa ay nagpapagaling pa sa ospital at nagpapakita naman ng positibong pagtugon sa gamutan.

Una nang sinabi ng DOH na umabot sa 80 ang bilang ng mga Pinoy sa MV Diamond Princess ang nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak ng manning agency ng naturang mga Filipino seafarers na sila ay marere-employ at hindi mawawalan ng trabaho.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino Seafarers, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Filipino Seafarers, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.