Magkapatid na nagbebenta ng illegally refilled na LPG tanks sugatan makaraang sumabog ang isang LPG

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2020 - 07:58 AM

Sugatan ang magkapatid makaraang sumabog ang ibinebenta nilang LPG tank at magdulot ng sunog sa Lapu-Lapu City.

Nangyari ang insidente sa Sitio Soong 1 sa Barangay Mactan.

Kinilala ang nasugatang magkapatid na sina Jason Hibaya, 33 anyos at Roel Hibaya, 39 anyos na kapwa distributor ng illegally refilled na LPG canisters.

Ayon kay Police Master Sergeant Wilson Malnegro, ng Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO) Station 2 dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang magkapatid na Hibaya matapos magtamo ng second degree burns.

Sa imbestigasyon, nag-leak ang isa sa mga ibinebentang LPG tanks dahilan para magkaroon ng sunog.

Natuklasan ng mga bumbero na hindi naisara ng tama ang valve ng nag-leak na tangke ng LPG.

Inalis na ang lahat ng LPG tanks mula sa establisyimento.

 

TAGS: fire incident, Inquirer News, Lapu-Lapu City, LPG tank, mactan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, Inquirer News, Lapu-Lapu City, LPG tank, mactan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.