Pangulong Duterte, ibinunyag na patuloy ang panunuyo sa kanya ng US
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na panay ang panunuyo sa kanya ng Amerika matapos ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong appointed na government official, humingi ito ng paumanhin dahil sa mahigit na isang oras na pagka-late.
Ayon sa pangulo, kausap niya kasi si U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim.
“I apologize for being late. First, I was talking to the former Ambassador who is now asigned in Indonesia,” ayon sa pangulo.
Tinalakay aniya nila ni Kim ang relasyon ngayon ng Pilipinas at Amerika.
Ayon sa pangulo, lapit nang lapit sa kanya ang Amerika.
“We are talking about Philippines-US relationship then I was donning the ranks of the military. Kaya sinabi ko kay Ambassador, itong ruckus na… It came to a fore na yung alitan ko sa kanila, tinanggal ko ang VFA, sila naman ang lapit ng lapit,” pahayag ng pangulo.
Matatandaang ibinasura ng pangulo ang VFA dahil sa pakikiaalam ng Amerika sa panloob na usapin sa Pilipinas.
Halimbawa rito ang panawagan ng Amerika na palayain si Senador Leila de Lima na nakakulong dahil sa ilegal na droga.
Pinupuna rin ng Amerika ang extrajudicial killings umano sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ayon sa pangulo, nakahanda siyang harapin ang anumang asunto na isasampa sa kanya.
Hamon ng pangulo, “bring it on” at isampa na ang lahat ng uri ng kaso laban sa kanya pero patuloy niyang paninindigan na kanyang papatayin ang sinumang magtatangka na sumira sa bayan ng Pilipinas.
“You can bring on the charges you want, but I will stick to my guns. I will kill anybody that will tend to destroy my country,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.