Leyte, Leyte niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
(UPDATED) Yumanig ang magnitude 4.1 na lindol ang Leyte, Leyte Martes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 7 kilometers Northwest ng Leyte bandang 2:51 ng hapon.
5 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ng origin.
Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4:
– Leyte, Capoocan, Leyte
– Naval, Biliran
– Ormoc City
Intensity 3:
– Borongan City, Eastern Samar
Intensity 2:
– Tanauan, Barugo, Palo, Jaro, Tolosa, Dagami, San Miguel, Dulag, Babatngon, Leyte
– Tacloban City
– Danao City
– Lawaan at Maydolong, Eastern Samar
Intensity 1:
– Cebu City
Instrumental Intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 4:
– Ormoc City
– Naval, Biliran
Intensity 3:
– Palo, Leyte
– Borongan City
Intensity 1:
– Lapu lapu City
Wala namang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.