Panukala na bigyan ng special powers si Pangulong Duterte para sa BUILD BUILD BUILD Program pasado na komite sa Kamara
Aprubado na sa House Committee on Flagship Programs and Projects ang panukala upang magbigay ng special powers kay Pangulong Duterte para pabilisin ang implementasyon ng 100 flagship projects sa ilalim ng BUILD BUILD BUILD programs.
Lumusot sa komite ang House Bill 5456 o Flagship Emergency Act of 2019 ng walang pagtutol sa mga miyembro.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, may-akda ng panukala, target nito na mapababa ang antas ng kahirapan mula sa 21.6% noong 2015 sa 14% sa 2022.
Kinakailangan aniya na masuportahan ng special powers ang mga BUILD BUILD BUILD programs para maitaas ang inclusive growth ng bansa.
Sinabi ni Salceda na kasalukuyang ginagawa na ang mga infra projects ngunit pabibilisin lamang sa pamamagitan ng mabilis na procurement process at paggiit sa right of way.
Layunin din ng panukala na matapos ang mga flagship programs ng administrasyon bago o pagsapit ng 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.