Emergency meeting dahil sa naunsyaming BBL, ilulunsad ng GRP, MILF

By Jay Dones February 04, 2016 - 05:22 AM

BBL1Muling maghaharap sa isang emergency meeting ang mga kinatawan ng GRP at grupo ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos mabigo ang Kongreso na maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, magiging pangunahing talakayan sa emergency meeting ang mga susunod na hakbang ng dalawang panig makaraang hindi matuloy ang pagsasabatas ng panukala.

Inaasahan ding maglalabas ng joint declaration ang dalawang panig dahil dito.

Bukod dito, tatalakayin din sa dayalogo kung paano tutugunan ang pagkadismaya ng taumbayan dahil sa ‘pagkamatay’ ng BBL.

Dapat sana ay noong December pa nag-usap ang dalawang panig ngunit hindi ito natuloy.

Gayunman, nilinaw ni Iqbal na hindi magiging bahagi ng emergency meeting ang muling pagbubukas ng panibagong peace negotiations dahil nauna nang sumang-ayon ang MILF sa nalagdaang Framework Agreement on the Bangsamoro at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

TAGS: GRP and MILF will call for emergency meeting to discuss BBL, GRP and MILF will call for emergency meeting to discuss BBL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.