Pagpapatalsik kay Davao Rep. Ungab bilang lider ng Kamara ikinadismaya ng kampo ni Mayor Sara Duterte
Hindi nagustuhan ng kampo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang ginawang pagtanggal kay Davao City Rep. Isidro Ungab bilang chairman ng House Committee on Appropriations.
Ayon sa statement ng Hugpong ng Pagbabago kung saan ang presidential daughter ang tumatayong chairperson sinabi nito na mahigpit nilang kinukondena ang ginawang pag-alis sa puwesto kay Ungab.
Hindi anya katanggap-tanggap para sa HNP ang ginawa ng liderato ng Kamara.
Makakaapekto ito ayon sa pinamumunuang regional party ni Inday Sara sa reform agenda para sa sambayanang Filipino ng Duterte administration.
Pinapurihan naman ni Inday Sara si Ungab dahil sa pagiging good soldier nito at sa paganap sa kanyang tungkulin na may prinsipyo at paninindigan.
Si Ungab ang manok ng Hugpong sa Tawong Lungsod na pinamumunuan ng magkatid na Inday Sara at Deputy Speaker Paolo Duterte bilang house speaker.
Magugunita na ang presidential daughter ang sinasabing utak ng pagpapatalsik noon sa pagiging house speaker ni Rep. Pantaleon Alvarez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.