NBA players pinaiiwas muna sa pakikipag-kamay sa fans dahil sa banta ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 10:02 AM

Pinaiiwas muna ang mga manlalaro ng NBA sa pakikipag-high five sa fans, pagbibigay ng autographs at iba pang direct contacts para maiwasan ang COVID-19.

Nakasaad ito sa memo ng liga na ibinigay sa mga koponan.

Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas na hawakan ang mga ballpen, markers, bola at jerseys mula sa mga nais magpa-autograph.

Tiniyak din ng pamunuan ng NBA na may ugnayan ito sa Centers for Disease Control at sa infectious disease researchers sa Columbia University sa New York.

Ito ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at staffs.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, high five, Inquirer News, memo, NBA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, shake hands, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, high five, Inquirer News, memo, NBA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, shake hands, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.