Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa apektado na ng easterlies

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2020 - 06:01 AM

Ang extreme Northern Luzon na lang ang apektado ng Amihan habang ang iba pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay easterlies na nag umiiral.

Sa weather forecast ng PAGASA sa susunod na 24 na oras, ang Batanes at Babuyan Group of islands ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong mahihinang pag-ulan.

Ang Metro Manila naman, nalalabing bahagi ng Luzon at buong Visayas at Mindanao ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa easterlies.

Nakataas ang gale warning at bawal pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Batanes, Babuyan, Calayan at Northern Coast ng Ilocos Norte.

Sa susunod na 2 hanggang 3 araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa.

TAGS: amihan, easterlies, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, amihan, easterlies, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.