Suspek sa hostage taking sa V-Mall sa San Juan nahaharap sa patung-patong na kaso
Patung-patong na kaso ang isasampa laban sa security guard na nang-hostage sa V-Mall sa Greenhills San Juan kahapon.
Naisailalim na sa paraffin test at drug test ang suspek na si Archie Paray sa Eastern Police District Laboratory.
Isinailalim naman sa ballistic test ang kaniyang baril.
Matapos ito ay ibinalik siya sa San Juan Police station habang inihahanda ang kasong grave coercion,
grave threat, illegal possession of firearms and explosives at frustrated murder.
Tumagal ng 10 oras ang pangho-hostage ng suspek sa nasa 60 hanggang 70 katao sa loob ng V-Mall.
Ayon kay San Juan City Police chief Jaime Santos, sa ginawa nilang beripikasyon, walang rekord sa PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies si Paray.
Kasama ring iimbestigahan ng mga otoridad ang security agency ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.