Inter-Agency Task Force magpupulong para sa travel restrictions sa iba pang mga bansa na may kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 12:03 PM

Muling magdaraos ng pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases bukas (March 3) para pag-usapan at pagpasyahan kung magdedeklara ba ng travel restrictions sa iba pang mga bansang may mga kaso ng Corona Virus Disease o COVID-19.

Ayon kay Department of Health o DOH Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, sa pulong bukas ay inaasahang dadalo ang mga high-level officials upang talakayin ang usapin ng travel restrictions gaya sa Japan.

Pero nilinaw ni Vergeire na hindi sini-single-out o tinitingnan lamang ang Japan dahil may ibang bansa rin na marami nang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles na bukod sa Japan, pagpapasyahan ng inter-agency task force kung dapat din bang magkaroon ng travel restrictions sa Italy at Iran.

Sa kasalukuyan, may umiiral nang travel ban sa China na origin o pinagmulan ng COVID-19, habang partial travel ban naman sa South Korea na may higit tatlong libong kaso ng sakit.

Samantala, sinabi ni Vergeire na kumakalap din ng DOH ng mga update ukol sa mga Pilipino sa ibang mga bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa huling datos, aabot sa 86 na mga Pinoy sa abroad ang tinamaan ng Covid-19 kung saan 80 ay naitala sa Japan, dalawa sa United Arab Emirates o UAE, dalawa rin sa Hong Kong at dalawa sa Singapore.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, Japan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, Japan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.