New York nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 09:59 AM
Kinumpirma ng pamahalaan ng New York state na mayroon na silang unang kaso ng COVID-19.
Inanunsyo ito ni Gov. Andrew Cuomo.
Ayon kay Cuomo, ang pasyente ay isang 30 anyos na babae at nakumpirmang positibo siya sa sakit base sa paagsusuri na ginawa sa Wadsworth Labooratory.
Nakuha ng pasyente ang sakit nang siya ay magbiyahe sa Iran.
Naka home quarantine ngayon ang nasabing pasyente.
Sa kaniyang tweet, nanawagan si Cuomo sa mga mamamayan ng New York na manatiling kalmado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.