86 na Pinoy sa labas ng bansa positibo sa COVID-19 – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2020 - 09:34 AM

Umakyat na sa 86 ang bilang ng mga Pinoy sa labas ng bansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa nasabing bilang, 80 ay mula sa MV Diamond Princess.

64 sa kanila ay nagpapagaling pa sa ospital at 16 naman ang nakalabas na ng pagamutan.

Pawang maayos naman ang kondisyon ng mga nasa ospital pang Pinoy.

Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, mayroon namang tigda-dalawang Pinoy na positibo sa COVID-19 sa UAE, Hong Kong at Singapore.

Tiniyak ng pamahalaan na nakatutok ang mga embahada ng Pilipinas sa mga bansang may Pinoy na apektado ng sakit.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, doh, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, doh, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.