20 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag
Nakapagtala ng 20 mahihinang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nagbuga din ng mahinang steam-laden plumes ang bulkan na ang taas ay 50 hanggang 100 meters.
Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal kaya pinapayuhan ang publiko na huwag pasukin ang Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.
Maari pa rin kasing magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at pagbubuga ng volcanic gas ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.