“Snatching sa Roxas Blvd., talamak na naman” – sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE J. MADERAZO
NP Lieutenant General Guillermo Eleazar , tulong po.
Ito ang mensahe ng mga empleado, turista, at commuters na dumadaan sa service road ng Roxas Bvd, mula Vito Cruz hangang Gil Puyat Avenue sa Pasay.
Talamak na ang mga “riding in tandem” doon na nang-aagaw ng mga clutch bag at handbag sa mga dumadaan. Maraming malalaking hotel, at business establishments ang narito dito pero walang tigil ang krimen pagsapit ng hapon hanggang madaling araw tuwing uwian ng mga empleado at guests.
Karamihang biktima ay mga dayuhan, mga Chinese, Korean at Hapones, pati mga empleado ng hotel , buildings at club. Hindi naman makapagreklamo dahil sa paniniwalang walang mangyayari at walang hinuhuling suspect. Kasi raw, walang “police presence” doon kapag sumapit ang dilim.
Sa pagkakaalam ko, hindi nangyayari ito nung panahon ni dating NCRPO Chief Gen Guillermo Eleazar. Dahil kahit gabi, sinisiguro ni Eleazar na nagtratrabaho ang mga pulis, 24 oras nagpapatrolya ang mga pulis at bawal magsitulog ang mga nasa mga presinto. Madaling magreklamo sa pulis Pasay at mabilis ang police action.
Halos dalawang kilometro lang ang haba ng service road at hindi mahirap bantayan. Ngunit ang problema,nakakalusot sa mga iskinita ang mga suspects dahil talagang walang mga pulis.
NCRPO chef MaJor general Debold Sinas, SPD Director Nolasco Bathan at Pasay city police chief Col. Bernard Yang, ito’y malaking hamon sa inyo. Umaksyon naman sana.
******
Magmula noong Enero 15 o sa nakalipas na 45 araw, mahigit 2,000 Chinese nationals ang dineport pabalik ng kanilang bansa dahil sa “cybercrime fraud” at iba pang “criminal activities”.
Ito ang resulta ng kooperasyon ng PAGCOR sa Chinese Embassy upang hanapin ang mga illegal na mga empleado sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dito. Inatasan ng PAGCOR ang mga “lisensyadong “ POGO na agad na i-surrender ang mga “Chnese fugitives” na nakapasok sa kanilang hanay. Kung hindi, pati silang mga employers ay aarestuhin din .
Sa ngayon, ang China ay merong ‘SKY NET 2019’ at ‘FOX HUNT OVERSEAS OPERATION” kung saan hinahanap at aarestuhn nito ang mga tumakas nilang mga kriminal sa ibang bansa, pati ang pagbawi sa mga “stolen assets” ng kanilang gobyerno
Isang “POGO OPERATIONS CENTER” ang binubuo ngayon ng Department of Justice at PAGCOR para tutukan ang mga problema ng “illegal gambling” at “cybercrimes” , hindi lamang sa mga lisensyadong POGO ng PAGCOR , pati na rin sa mga nagkalat na illegal POGO na hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Ito ang makikipag-coordinate sa Chnese embassy para hanapin ang mga may criminal record sa higit 70,000 Chinese nationals na kawani ng POGO sa bansa.
******
Ako’y bilib dito kay Makati mayor Abby Binay lalo na sa determinasyong i-angat ang kapakanan ng lahat ng mga estudyante sa kanyang lungsod.
Ngayong taon, P3.3B ang inilaaan niyang budget sa edukasyon at P1.16B dito ay para sa Project FREE (Free Relvant and excellent education) na nagbibigay ng mga libreng kagamitan ng mga mag-aaral (uniporme, school supplies, rubber shoes, jackets, emergency go kits, anti-dengue kits, dental hygiene kits, tumblers atbp). Pati insurance ng mga bata, feeding programs, gastos sa graduation, mayroon pang allowance sa high school students at iba pa.
Tahimik lang magtrabaho si Mayora Abby, pero iba talaga ang benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.