Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa South Korea nasa mahigit 3,500 na

By Mary Rose Cabrales March 01, 2020 - 01:42 PM

Umabot na sa mahigit 3,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.

Nakapagtala ng 376 na bagong kaso kung saan umabot na sa 3,526 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus.

Ang South Korea na ang bansang nakapagtala ng may pinakamalaking kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa labas ng China.

Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, aabot sa 90 porsyento ng bagong kaso ay mula sa Daegu, ang sentro ng outbreak ng virus sa bansa.

Ang Daegu City ang ikaapat sa pinakamalaking lungsod sa South Korea na mayroong 2.5 milyong populasyon.

Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na mag-ingat at huwag nang lumabas ng bahay ang mga may sintomas ng respiratory illness.

TAGS: COVID-19, COVID-19 cases in Daegu City, COVID-19 cases in South Korea, COVID-19, COVID-19 cases in Daegu City, COVID-19 cases in South Korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.