45 volcanic earthquakes, naitala sa Buklang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng 45 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na patuloy pa rin ang pagbuga ng steam-laden plumes ng bulkan na may taas na 50 metro.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Ibig sabihin, ayon sa Phivolcs, asahan pa rin ang posibleng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Maaari anilang makaapekto ito sa Taal Volcano Island.
Dahil dito, patuloy ang rekomendasyon ng Phivolcs na ipagbawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.