Utak tiwali, dapat mawala sa BI – Sen. Lacson
Hindi naniniwala si Senator Panfilo Lacson na ang pagbawi sa overtime ang nagtulak sa maraming tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA para magkanya-kanya ng raket.
Diin ni Lacson, kasakiman at katiwalian ang talagang dahilan at aniya ang mga ito ay dahil sa kapangyarihan na kaakibat ng posisyon.
Ayon kay Lacson, tamang hakbang ang pagbalasa sa mga airport immigration personnel ngunit mababalewala lang ito hanggang hindi nawawala ang mga sakim at tiwali.
Dagdag pa ng senador matagal nang umiiral ang ibat ibang raket sa NAIA bago pa man ipagbawal ang overtime.
Sinabi pa nito, sa pagpasok pa lang sa gobyerno, alam na ng mga kawani ang kanilang mga limitasyon at dapat isakripisyo, maging ang mga benepisyo.
Ngunit aniya maging ang mga benepisyo ay may regulasyon din at hindi dapat ihambing sa mga nakukuha ng mga nasa pribadong sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.