Bagong anti-terror law hindi magagamit sa oposisyon – SP Sotto
Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na hindi magagamit sa oposisyon at mga kritiko ng gobyerno ang ipinasa sa Senado na bagong Anti-Terrorism Act.
Sinabi nito may mga probisyon sa panukalang batas para hindi abusuhin ng mga awtoridad ang batas at para hindi ito magamit sa mga sinasabing kalabang politikal ng gobyerno.
Ayon kay Sotto ginagawa nila ang lahat sa Senado para bigyan proteksyon ang mamamayang Filipino sa loob ng kanilang pamamahay at komunidad.
Diin nito sa naturang panukalang batas ay nais nilang bigyan ng kapayapaan sa pag iisip at damdamin ang mga Filipino.
Napapanahon din sabi pa ni Sotto ang panukala dahil pinalalakas pa ng gobyerno ang kampaniya at programa kontra terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.