Judge ng Mandaluyong RTC na nangialam sa mga kaso sa mga power firms irereklamo sa Korte Suprema
Nasa hot water ngayon ang judge ng Mandaluyong Regional Trial Court Branch 208 dahil sa panghihimasok sa exclusive jurisdiksyon ng Energy Regulatory Commission sa usaping may kinalaman sa electricity rates.
Ayon kay House Committee on Justice Chair Vicente Veloso, walang hurisdiksyon ang mga regional trial court sa mga usapin ng electricity rates at iba pang power disputes.
Sabi ni Veloso, dadalhin niya sa Supreme Court ang usapin ng panghihimasok ng hukom ng Mamdaluyong RTC sa kaso.
Paliwanag ni Veloso na dating Court of Appeals justice, walang korteng mas mababa sa CA ang maaring magkaroon ng hurisdiksyon sa usapin.
Pahayag ito ng mambabatas matapos mag acquire ng jurisdiksyon ang Mandaluyong RTC Branch 208 sa kasong isinampa ng South Premier Power Corp. (SPPC) ng San Miguel Corp. may kaugnayan sa P23.9B na pagkakautang nito sa state-owned Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. o PSALM.
Inihain ang kaso noong taong 2015 at kasalukuyang pa ring nakabinbin sa korte pero sa naunang naging desisyon ng Mandaluyong RTC Branch 208 pinagbawalan nito ang PSALM na i-terminate ang kontrata sa South Premiere Power.
Dismayado naman si House Committee on public accounts chair Mike Defensor na siyang dumidinig sa P95B utang ng mga power firms sa PSALM.
Paliwanag nito, ang kanilang imbestigasyon ay in aide of legislation upang matulungan ang executive branch na makapaningil sa mga pagkakautang sa PSALM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.