2 pang Pinoy na inilikas sa MV Diamond Princess nakitaan ng flu-like symptoms
By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2020 - 03:43 PM
Dalawa pang Pinoy na inilikas mula sa MV Dinamond Princess sa Japan ang nakitaan ng flu-like symptoms.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III nakitaan ng respiratory illness ang dalawa kaya kinuhanan na sila ng specimens para masuri.
Mula sa New Clark City sa Tarlac ay dinala sila sa ospital para maisailalim sa isolation.
Una rito sinabi ng DOH na mayroong tatlong repatriates ang nakitaan ng sintomas ng flu.
Dalawa sa kanila ay nag-negatibo na sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.