LOOK: Bagong presidente ng Toyota Motor Philippines sinubukan ang mag-commute sa Pilipinas
Sa loob ng unang isang linggo niyang pananatili sa Pilipinas sinubukan ng bagong talagang presidente ng Toyota Motor Philippines ang mass transport ng bansa.
Si Atsuhiro Okamoto ay hinirang bilang presidente ng Toyota Motor Philippines kamakailan lamang.
Sa kaniyang Facebook page sinabi ni Okamoto na sa unang linggo niya sa bansa naisipan niyang subukan ang mag-commute para maranasan ang araw-araw na hirap ng Pinoy commuters.
Ayon sa presidente ng Toyota sinubukan niya ang sumakay ng bus, nag-round trip siya sa MRT, sumakay sya ng jeep, pumila ng matagal para makasakay ng UV Express, at nag-tricycle siya patungo sa Tondo.
Sinabi ni Okamoto na “good learning experience” para sa kaniya ang nangyari.
Ani Okamoto base sa kaniyang obserbasyon, hindi gaya ng Japan o Singapore ang kasalukuyang mass transport system ng Pilipinas ay hindi sapat para ma-accommodate ang malaking bilang ng mga commuter araw-araw.
Base sa kaniyang naging obserbasyon sinabi ni Okamoto na nais niyang magkaroon ng bahagi ang Toyota para makatulong na mai-upgrade ang kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.