Magnitiude 5.5 na lindol tumama sa Sarangani, Davao Occidental.
Niyanig ng magnitiude 5.5 na lindol ang Sarangani sa Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang lindol alas 3:13 ng madaling araw ng Biyernes (Feb. 28).
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa layong 187 kilometers southeast ng Sarangani.
Naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities bunsod ng pagyanig:
– Intensity II sa Tupi, South Cotabato; Alabel at Malungon, Sarangani
– Intensity I sa General Santos City; Kiamba, Sarangani; at Koronadal City
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang pagyanig pero maaring makapagtala ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.