Rep. Abante, hinarang sa Dubai Airport dahil sa travel ban kaugnay sa COVID-19

By Erwin Aguilon February 27, 2020 - 04:54 PM

Hinarang sa Dubai Airport si House Minority Leader Bienvenido Abante para sana sa kanyang connecting flight patungong Jeddah, Saudi Arabia.

Nabatid na lumapag ng Dubai Airport ang eroplanong sinasakyan ni Abante upang doon sumakay patungong Saudi Arabia.

Sa impormasyon, sinabihan si Abante na hindi muna pinapayagan ang pagpasok sa Saudi Arabia para sa pilgrimage patungong Mecca dahil sa kinakatakutang Coronavirus Disease o COVID-19.

Agad namang nakipag-ugnayan ang kongresista sa Consul office ng Pilipinas sa Jeddah para sa kaukulang arrangement.

Ayon kay Dubai Consul Mary Jennifer Dingal, 48 na oras lang ang temporary ban sa mga Umrah pilgrims sa Saudi Arabia kaya ginawan muna nila ng paraan para mabigyan ng visa sa UAE si Abante at mga kasama nito habang hinihintay na maalis ang ban.

11:30, Miyerkules ng gabi, nang lumipad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Emirates Airlines na sinakyan ni Abante at nakarating sa Dubai ng 5:00 ng umaga, araw ng Huwebes.

Ipinatupad ang temporary ban sa Saudi matapos mapaulat na may pitong Saudi nationals sa Bahrain at Kuwait ang nagpositibo sa COVID-19.

Patungo sana si Abante sa Jeddah para makipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon ng mga Filipino kaugnay sa binabalangkas na Department of OFW.

TAGS: COVID-19, Dubai Airport, House Minority Bienvenido Abante, jeddah, saudi arabia, COVID-19, Dubai Airport, House Minority Bienvenido Abante, jeddah, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.