Coup attempt laban kay Speaker Cayetano, umiinit

By Erwin Aguilon February 27, 2020 - 02:56 PM

Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang pagkausap sa ilang mga kongresista upang siya ay mapatalsik sa puwesto.

sa isang ambush interview, sinabi ni Cayetano na 20 kongresista ang kinausap ni Velasco na pinangakuan ng chairmanship sa mga komite.

Sinabihan din anya ang mga ito na may budget si Velasco para sa mga ito.

Ang nasabing hakbang anya ay nagdudulot ng pagkakahati-hati sa Kamara.

Dahil dito, sinabihan ng House Speaker ang mga pinuno ng komite at iba pang nasa leadership ng Kamara na hindi makapaghintay ng panahon para mapaupo si Velasco ay magbitiw na muna ang mga ito at saka na lamang bumalik kapag si Velasco na ang House Speaker.

Babala nito, kapag nagpatuloy ang ginagawa ng mga nasa liderato ng Kamara na pananabotahe sa kanyang pamumuno ay aalisin niya ang mga ito sa puwesto.

Iginiit naman ni Cayetano na susundin ang napag-usapan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa usapin ng House leadership kaya walang dapat ikabahala si Velasco.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Coup attempt, house leadership, Rep. Lord Allan Velasco, Alan Peter Cayetano, Coup attempt, house leadership, Rep. Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.