Sibakan sa BI madadagdagan pa ayon kay Pangulong Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga opisyal pa ng Bureau of Immigration (BI) ang masisibak sa puwesto sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil sa Pastillas scheme o ang ginagawang panunuhol ng pera ng mga Chinese sa mga tiwaling BI officials para makapasok sa bansa at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)
Ayon sa pangulo, nais niya kasing walisin sa BI ang lahat ng konektado sa “Pastillas scheme”.
Tinawag na Pastillas scheme ang modus dahil nirorolyo ng mga Chinese ang pera na parang lastillas para isuhol sa mga BI officials. Tinatayang aabot sa sampung libong piso ang suhulan.
Ayon sa pangulo, humihingi siya ngayon ng listahan sa commissioner ng Civil Service Commission (CSC) ng mga nakapasa sa pagsusulit para ilagay sa BI.
“Yung ano, I am insisting on the ouster of all who are connected. I think we have terminated. But there will be more. I think I’d… Meron atang napaalis na. But they should be replaced, all of them,” ayon sa pangulo
Nais ng Pangulo ang mga first grade na nakapasa sa Civil Service Exam o hindi kaya ang may mga magagandang academic records
Wala namang balak si Pangulong Duterte na sibakin si BI Commissioner Jaime Morente.
Ayon sa pangulo, hahayaan niya muna si Morente na magbigay ng kanyang panig sa ginagawang pagdinig ng Kongreso.
Una nang ipinagbutos ng pangulo ang pagsibak sa puwesto sa mga tauahan ng BI na sangkot sa Pastillas scheme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.