Magnitude 3.3 na lindol tumama sa Agno, Pangasinan
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Agno sa Pangasinan.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 88 kilometers southwest ng Agno alas 8:36 ng umaga ng Huwebes (Feb. 27).
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 19 kilometers.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng naturang lindol.
Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.
Ito na ang ikalawang may kalakasang pagyanig sa Agno ngayong araw.
Kaninang ala 1:40 ng madaling araw ay naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Agno.
Kahapon ay ilang ulit ding niyanig ng may kalakasang lindol ang Agno, Pangasinan.
Pinakamalakas na naitala ay ang magnitude 4.4 na tumama alas 8:23 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.