Kondisyon ng mahigit 400 na Pinoy na naka-quarantine sa New Clark City, nananatiling maayos ayon sa DOH
Nananatiling maayos ang kondisyon ng mahigit 400 na mga Pinoy na iniuwi sa bansa galing sa MV Diamond Princess sa Yokohama, Japan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, nananatiling walang nakikitang sintomas sa lahat ng 445 na mga Pinoy.
Sila ay masusing binabantayan ng hanggang 100 tauhan ng DOH habang sila ay naka-quarantine sa New Clark City sa Tarlac.
Ayon kay Duque, nagpapalitan ang mga health personnel sa pagsusuri sa mga naka-quarantine na Pinoy.
Umaasa si Duque na hanggang sa matapos ang quarantine period ay walang makikitaan ng sintomas sa mga inilikas.
Samantala, ayon kay Duque, ang gastos sa pagkain at gamit ng mga Pinoy seafarer na nakasailalim sa quarantine ay sinagot ng Magsaysay Maritime Corporation.
Sinagot din ng naturang maritime agency ang plane tickets ng mga umuwing Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.