PAGCOR sa mga POGO operators: Isuko nyo na ang mga ilegal Chinese workers
Makikipagtulungan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Chinese embassy at iba pang law enforcement agencies sa ipinatutupad na crackdown laban sa mga Chinese nationals na illegal na nagtatrabaho o nagnenegosyo sa bansa.
Ayon sa PAGCGOR, dahil sa crackdown, ang mga ilegal Chinese workers na sangkot sa iba’t ibang cybercrime fraud kasama na ang mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ay mahaharap sa reklamo at karampatang parusa.
Simula noong January 15, 2019, nasa 2,000 nang Chinese nationals na nagtatrabaho ng ilegal sa mga POGO ang naipatapon na palabas ng bansa.
Panawagan ng PAGCOR sa lahat ng POGO operators isuko na sa Chinese embassy ang mga ilegal nilang mangagagawa at ang mga sangkot sa iba pang ilegal na aktibidad.
Nakikipag-ugnayan din ang PAGCOR sa Department of Justice (DOJ) para makabuo ng operations center na hahawak sa mga problema kaugnay sa illegal gambling at cybercrimes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.