Pakistan nakapagtala na rin ng kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo February 27, 2020 - 06:46 AM
Naitala ang unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Pakistan.
Ayon sa State Minister of Health of Pakistan na si Zafar Mirza, agad nagsagawa ng protocol sa dalawang pasyente.
Pinayuhan din nito ang mga mamamayan na huwag mag-panic dahil kontrolado pa ang sitwasyon.
Kapwa din maayos na ang kondisyon ng dalawang pasyente.
Ang isa sa mga pasyente ay dumating sa Pakistan galing sa pagbiyahe nito sa Iran.
Ang pamilya ng dalawang pasyente ay kapwa naka-quarantine na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.