Sa kabila ng cease and desist order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, tuloy pa rin ang operasyon ng Grab Bike ng kumpanyang Grab Taxi.
Sa pagidinig ng House Committee on Transportation, inamin ng Regional Vice President ng Grab Taxi na si Nina Teng na hindi pa raw nila natatanggap ang kautusan ng LTFRB.
Ang rason, sa maling address o entity daw naipadala ng LTFRB ang naturang cease and desist order.
Ayon kay Teng, hangga’t hinihintay nila ang kopya ng cease and desist order ng LTFRB, hindi raw nila ihihinto ang operasyon ng Grab Bike.
At kahit nilalabag ng Grab Taxi ang utos ng LTFRB, nabatid na balewala ito sa PNP-HPG dahil hindi sila nanghuhuli ng mga pumapasadang Grab Bike.
Paliwanag ng PNP-HPG, wala pang malinaw na regulasyon laban sa Grab Bike kaya hindi sila basta-basta makapanghuli.
Babala naman ni House Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento, kapag hindi inihinto ng Grab Taxi ang biyahe ng mga Grabe Bike nito, gagawa na ang aksyon dito ang kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.