Number coding, lifted sa Lunes para sa Chinese New Year
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding sa Lunes, February 8.
Ang nasabing petsa ay idineklarang special non-working holiday ng Malakanyang para sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Sa abiso ng MMDA, hindi ipatutupad ang number coding sa buong Metro Manila sa Lunes.
Sa ilalim ng number coding scheme ng MMDA, ang mga sasakyan na sakop ng coding ay hindi pwedeng bumiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.
May ipinatutupad namang window hour at ang oras ay depende sa regulasyon ng lungsod.
Dahil araw ng Lunes natapat ang holiday, inaasahang maraming mga motorista ang bibiyahe bunsod ng long weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.