Prangkisa ng ABS-CBN at national budget ginagamit para patalsikin sa pwesto si Speaker Cayetano

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 11:38 AM

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na ginagamit na dahilan ang pambansang budget at ngayon naman ang prangkisa ng ABS-CBN para siya ay patalsikin sa pwesto bilang lider ng Kamara.

Sabi ni Cayetano, mayroon siyang sariling pamamaraan ng leadership at ayaw niya ng bara-bara sa trabaho na hindi muna pinag-aaralan.

Ilang beses na rin naman aniyang naipaliwanag kung bakit niya gusto ng maayos at patas na hearing pagdating sa franchise bills ng Lopez-led company.

Kaugnay nito, iginiit ni Cayetano na hindi siya magpapa-pressure sa media kaugnay sa paggamit ng isyu ng ABS-CBN franchise.

Aalis lamang anya siya sa pwesto kung talagang ayaw na siya ng mayorya ng Kamara.

Matatandaang sinabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa isang forum na magresign na lamang sina Cayetano at Palawan Rep. Franz Alvarez kung hindi aaksyunan ang franchise renewal ng ABS-CBN.

TAGS: ABS-CBN franchise, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, national budget, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN franchise, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, national budget, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.