21.8 degrees Celsius naitala sa PAGASA Science Garden sa QC ngayong umaga
Bagaman easterlies na ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa hindi naman kainitan ang naitalang temperatura sa ilang bahagi ng Luzon ngayong umaga ng Miyerkules (Feb. 26).
Ayon sa PAGASA, easterlies na ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa o mainit na hangin na mula sa Pacific Ocean.
Alas 5:00 ng umaga kanina, naitala ng PAGASA ang temperatura sa sumusunod na mga lugar:
PAGASA Science Garden, QC – 21.8 degrees Celsius
Baguio City – 14.4 degrees Celsius
Tanay. Rizal – 19 degrees Celsius
Laoag City – 20.6 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 22.2 degrees Celsius
Bago tuluyang pumasok ang dry season o panahon ng tag-init, sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na muli pang babalik ang pag-iral ng amihan.
Pero ani Perez, hindi na magiging malakas ang bugso nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.