445 na Pinoy mula MV Diamond Princess dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang mga Pinoy na inilikas mula sa MV Diamond Princess sa Japan.
Unang lumapag sa Clark International Airport ang eroplano ng PAL na mayroong sakay na 309 na mga Pinoy alas 10:15 ng gabi.
Sakay din ng eroplano ang dalawang miyebro ng repatriation team mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at apat na miyembro ng health response team mula sa Department of Health (DOH).
Ang ikalawang eroplano ng PAL na may lulang 136 at anim na kawani ng DFA at DOH ay dumating sa Clark alas 12:12 ng madaling araw.
Kapwa lumapag sa Haribon Hangar ang dalawang eroplano at pagkatapos ay isinakay sa bus ang lahat ng pasahero at saka inihatid sa New Clark City sa Tarlac.
Kasama ring dinala sa New Clark City ang lahat ng miyembro ng team mula sa DFA at DOH gayundin ang mga crew ng PAL para sumailalim sa 14-day quarantine period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.