Ikalawang batch ng mga pauwing Filipino galing cruise ship sa Japan, pabalik na rin ng Pilipinas

By Angellic Jordan February 25, 2020 - 08:25 PM

Photo grab from DFA’s video

Nasa biyahe na rin ang ikalawang batch ng mga Filipinong crew ng MV Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Sa video ng Department of Foreign Affairs (DFA), makikita ang pagsakay sa eroplano ng mga Filipino.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, nasa 136 Filipino crew ang kabilang sa ikalawang batch ng Filipino repatriates.

Kasama naman sa eroplano ang dalawang opisyal ng DFA at limang medics mula sa Department of Health (DOH).

Inaasahang darating ang ikalawang batch ng Filipino repatriates sa Clark International Airport bago sumapit ang 12:00 ng hating-gabi.

TAGS: COVID-19, DFA, second batch of Filipino repatriates from Japan, Usec. Brigido Dulay, COVID-19, DFA, second batch of Filipino repatriates from Japan, Usec. Brigido Dulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.