Publiko pinaiiwas muna ng DOH sa pagbiyahe sa Daegu City at sa Cheongdo sa South Korea

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 10:59 AM

Habang hindi pa napagdedesisyunan ng pamahalaan kung magpapatupad ba travel ban sa South Korea dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19, pinapayuhan muna ang mga mamamayan na ipagpaliban ang pagbiyahe lalo na sa mga lugar na labis na apektado ng sakit.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mainam na iwasan muna ang magtungo sa Daegu City at sa Cheongdo na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon sa South Korea bago magpasiyang bumiyahe doon.

Sinabi ni Duque na bukas ay muling magpupulong ang inter-agency task force para talakayin kung kailangan na bang isama ang South Korea sa pag-iral ng travel ban.

Mayroon nang 893 na kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong 60 kaso sa nakalipas na magdamag.

TAGS: COVID-19, department of health, south korea, travel advisory, COVID-19, department of health, south korea, travel advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.