Mga Pinoy sa Kuwait pinakakalma kasunod ng COVID-19 scare
Pinakakalma ng pamahalaan ang mga Pinoy sa Kuwait kasunod ng pagkakaroon na ng kumpirmadong kaso doon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, sinabi nitong walang dahilan para mag-panic kahit kinumpirma na ng Kuwaiti Health Ministry na may kaso na ng COVID-19 doon.
Pinayuhan ang mga Pinoy na sumunod lamang sa abiso ng mga health authority para makaiwas sa anumang uri ng nakahahawang sakit.
Samantala, nagpatupad naman ng pagbabago sa opeartion hours ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea dahil sa banta ng COVID-19.
Simula ngayong araw, Feb. 26 ang Philippine Embassy sa Seoul ay bukas para sa Consular services mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Lahat ng magtutungo sa embahada ay pinapayuhan na magsuot ng masks.
Pinayuhan din ang lahat ng Pinoy sa South Korea na maging maingat at iwasan ang magtungo sa matataong lugar.
Kung nakararanas naman ng sintomas ng COVID-19, pinayuhan silang agad tumawag sa Korea Center for Disease Control and Prevention (KCDC) sa numerong 1339.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.