Imbestigasyon ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN iginagalang ng Kamara

By Erwin Aguilon February 24, 2020 - 05:30 PM

Iginagalang ng Kamara ang ginawang imbestigasyon ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Franz Alvarez, inirerespeto nila ang separation of powers ng dalawang kapulungan.

Mayroon naman aniyang hiwalay na imbestigasyon ang Kamara at oobserbahan nila kung anuman ang magiging resulta ng pagsisiyasat ng Senado.

Wala ring pressure sa Kamara ang ginawang public hearing ng Senado kaugnay sa franchise renewal ng broadcast network.

Tiniyak naman ng chairman ng komite na aaksyunan nila ang nasabing isyu sa pagitan ng Mayo o Agosto bagamat hindi pa ito naika-kalendaryo.

Nauna rito, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na unconstitutional ang pagdinig ng Senado dahil kailangan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nagmumula ang panukala para sa mga prangkisa.

Sa kasalukuyan ay mayroong 11 panukala na nakabinbin sa Kamara na nag-eendorso sa franchise renewal ng giant network at hindi pa ito natatalakay kahit na nakatakda itong mag expire sa Marso 30.

TAGS: ABS-CBN franchise renewal, Cong. Franz Alvarez, House Committee on Legislative Franchises, ABS-CBN franchise renewal, Cong. Franz Alvarez, House Committee on Legislative Franchises

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.