Unang sexually transmitted case ng Zika virus, naitala sa Texas

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2016 - 06:50 AM

Dengue_1Naitala sa unang pagkakataon ang kaso ng Zika virus na nakuha hindi dahil sa kagat ng lamok kundi dahil sa pakikipagtalik.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ang pasyente ay residente ng Dallas County, Texas.

Nakuha umano ng nasabing pasyente ang Zika virus matapos makipagtalik sa isang indibidwal na may history ng travel sa bansang apektado ng sakit.

Ayon kay Zachary Thompson, director ng Dallas County Health and Human Services, mas dapat na paigtingin ang awareness campaign matapos matuklasang naisasalin pala ang sakit sa pamamagitan ng sex.

Hinimok ni Thompson ang publiko na maliban sa abstinence ay gumamit ng proteksyon gaya ng condom sa pakikipagtalik para hindi na tumindi pa ang pagkalat ng sakit.

Ang Zika virus na nakukuha dahil sa kagat ng lamok ay iniuugnay din sa kaso ng brain defect sa libo-libong mga sanggol sa Brazil.

Kahapon idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isang global public health emergency ang Zika virus.

 

TAGS: first sexually transmitted zika virus, first sexually transmitted zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.