150 pa nasawi sa China dahil sa COVID-19; death toll umakyat na sa 2,592

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 12:40 PM

Umabot na sa 2,592 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala 150 nasawi sa China. 149 dito sa Hubei Province.

Ang isang nasawi ay mula sa Hainan province at ito ay ang 55 anyos na duktor.

Ayon sa National Health Commission aabot din sa 409 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa China.

Maliban sa China, narito ang iba pang mga bansa n nakapagtala ng nasawi sa dahil sa COVID-19:

7 South Korea
8 Iran
4 Japan (3 from MV Diamond Princess)
3 Italy
2 Hong Kong
1 Taiwan
1 PH
1 France

Ang South Korea naman ay mayroon nang 763 na kaso, habang ang 691 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Diamond Princess at 146 sa iba pang bahagi ng JApan.

Ang Italy ay mayroong 157 na kaso at ang Singapore naman ay 89.

TAGS: China, COVID-19, death toll, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, China, COVID-19, death toll, hubei province, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.