Panukala upang parusahan ang mga nagpapakalat ng fake news tatalakayin na sa Kamara
Isasalang na sa pagdinig ng House Committee on Public Information ang mga panukala upang parusahan ang mga magpapakalat ng pekeng balita.
Kabilang sa mga pag-uusapan ang pagbibigay ng depinisyon sa “fake news,” magiging sakop nito at kung paano ito mai-a-apply sa iba’t ibang media.
Sa isasagawang pagdinig, aalamin kung saan maiuugnay sa kasalukuyang batas at jurisprudence ang “fake news” at iba pang kaparehong isyu.
Tinitiyak naman ng panukala na magiging balanse ito sa pagsusulong ng kapakanan ng publiko at proteksyon sa kanilang karapatan.
Ginagarantiya din ng panukala ang freedom of expression at pagbalanse sa epekto ng fake news.
Kukuha din ng inputs at opinyon ang Kamara mula sa government agencies, NGOs, academe at citizens’ group.
Posible ring ipatawag ang mga opisyal ng Facebook, Twitter, Instagram, Google at Viber na siyang nagagamit na instrumento sa pagkakalat ng fake news.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.