Magnitude 3.8 na lindol tumama sa Glan, Sarangani
By Angellic Jordan February 24, 2020 - 08:52 AM
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Glan, Sarangani Lunes ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 36 kilometers Southeast ng Glan dakong 8:23 ng umaga.
14 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.
Wala naman naidulot na intensities ang lindol sa mga karatig-bayan.
Sinabi pa ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.