Ombudsman Morales nag-‘silent protest’ laban sa pag-pyansa ni Sen. Enrile

By Kathleen Betina Aenlle February 03, 2016 - 04:41 AM

 

Inquirer file photo

Tumangging mag-komento si Ombudsman Conchita Carpio Morales tungkol sa umano’y biglaang pagbuti ng kalusugan ni Sen. Juan Ponce Enrile ngayong siya’y pansamantalang nakalaya.

Kumakalat kasi ngayon ang mga biro kaugnay sa “miracle recovery” umano ni Enrile matapos siyang payagan ng Supreme Court na makapag-pyansa dahil sa humanitarian grounds, partikular na ng hindi magandang lagay ng kalusugan nito.

Si Morales na mismong nag-sakdal kay Enrile ay tutol sa naging desisyon ng Korte Suprema na payagang mag-pyansa ang isang taong may kasong plunder na wala naman dapat pyansa.

Ang tanging sinabi lamang ni Morales, ay nag-hain na sila ng motion for reconsideration para baliktarin ang desisyon ng Supreme Court tungkol dito, at nananatili itong nakabinbin.

Bagaman halos limang buwan na itong nakabinbin, hindi naman na aniya kailangan pang mag-hain ng panibagong mosyon dahil alam naman niyang pinansin na iyon ng mga mahistrado.

Bilang isang dating mahistrado sa Mataas na Hukuman, alam niyang kapag may mga mosyon na kailangan ng agarang resolusyon, noted na nila agad ito.

Aminado rin siya na may katagalan ito lalo na kung komplikado ang kaso, at hindi rin lang naman aniya ito ang kasong hawak ng korte.

Matatandaang pinagbigyan ang apela ni Enrile na makapagpyansa bilang konsiderasyon sa kaniyang kalusugan at pati na rin sa tagal ng pagsisilbi nito sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.