6 na survivors ng Mamasapano incident, kinilala
Bukod sa 44 na Special Action Force commandos na nasawi sa Mamasapano incident, binigyan na rin ng pagkilala ang anim sa iba pang SAF troopers na nakaligtas sa naturang massacre.
Ayon sa National Police Commission, binigyan ng Medalya ng Kabayanihan o Medal of Distinguished Conduct at Distinguished Service Medal o Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod ang mga pulis dahil sa ipinakitang katapangan nang ilunsad ang Oplan Exodus.
Ang Medalya ng Kabayanihan ay iginawad kina PO3 Solomon A. Agayso, PO3 Jovalyn D. Lozano, PO3 Jose S. Mana-ar, Jr. at PO2 Clifford P. Agayyong.
Nauna rito, na-promote na ang apat na pulis kabilang ang 25 pang mga pulis na nakilahok sa Oplan Exodus noong January 25, 2014.
Samantala, ang distinguished Service Medal ay tinanggap nina Senior Supt. Fernando H. Mendez Jr. at Senior Supt. Edgar S. Monsalve dahil sa kanilang pagbuo ng intelligence package ng naturang plano.
Matatandaang unang binigyan ng Medal of Valor sina Chief Insp. Gednat G. Tabdi and PO2 Romeo C. Cempron, dalawa sa mga namatay na SAF troopers sa Mamasapano incident.
Ang 42 pang mga nasawing pulis ay binigyan din kamakailan ng Distinguished Conduct Medal.
Maging ang nakaligtas na team leader na si Supt. Edmund Train ay ginawaran ng pagkilala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.